Ina ng mga anak ni Bistek na-touch sa ginawa nina Daniel at Kathryn | Bandera

Ina ng mga anak ni Bistek na-touch sa ginawa nina Daniel at Kathryn

Cristy Fermin - July 18, 2016 - 12:10 AM

kathniel at tates

NAPAKASARAP makinig sa kuwento ng aming kaibigan-anak-anakang si Mayora Tates Gana tungkol sa hindi niya makakalimutang ginawa sa kanya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kinabukasan lang pagkatapos ng eleksiyon.

Natural lang na malungkot ang kapaligiran para sa isang tumakbo at hindi pinalad. Unang pagkakataon ‘yun ni Mayora Tates Gana, ina ng mga anak ni Mayor Herbert Bautista, para maging konsehal ng kanilang distrito.

Pero hindi pa para sa kanya ang panahon, kahit pa napakarami na niyang nagawa sa kanilang lugar, handa namang maghintay ang aming kaibigan. Kinabukasan ay dumalaw sa kanya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nagbigay sa kanya ng bulaklak, du’n pa lang naging emosyonal si Mayora Tates.

Parang anak na rin kasi niya si Daniel, malapit ang heartthrob sa kanyang mga anak na sina Athena at Harvey, maging ang ka-loveteam nitong si Kathryn. “Hinding-hindi ko mali-limutan ang ginawa nila, dumating sila sa lowest point ng buhay ko, may dalang bulaklak, pinatatawa ako. Lalo na si DJ, napakabait ng batang ‘yun talaga.

“Magkakasama silang lumaki ng mga anak ko, palagi siya sa bahay, i-pinagkakatiwala sa akin ni Karla (Estrada) ang anak niya dahil alam niyang mahal ko si DJ,” komento ni Mayora Tates. Nakapag-move-on na si Mayora Tates Gana, balik na sa dati ang kanyang aura, gusto na lang niyang isipin na ang isang oportunidad kapag hindi pa talaga para sa iyo ay hindi mo pa makukuha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending