Donita ginawa ang lahat para ma-save ang pamilya pero nabigo | Bandera

Donita ginawa ang lahat para ma-save ang pamilya pero nabigo

Cristy Fermin - July 15, 2016 - 12:20 AM

ERIC VILLARAMA AT DONITA ROSE

ERIC VILLARAMA AT DONITA ROSE

DEKLARADO na si Donita Rose na tuluyan na silang nagkahiwalay ng kanyang mister na si Eric Villarama.

Matagal nang pinagpipistahan ang balita ng kanilang separasyon pero gumawa pa rin pala sila ng paraang maiayos ang kanilang relasyon na nauwi rin sa wala.

Minsan nang nagtagal sa Pilipinas si Donita at nagpakalulong sa pagtatrabaho, nu’n pa lang ay marami nang nag-isip na magulo ang kanyang lovelife, pero tigas sa pagtanggi ang aktres.

Nami-miss lang daw niya ang pag-aartista at naiintindihan naman ‘yun ng kanyang mister na nasa Singapore, maayos daw ang kanilang relasyon, pahayag ng aktres na pinagtaasan lang ng kilay ng marami.

Sino raw ang maniniwalang maayos ang pagsasama nilang mag-asawa kung ganu’n na nandito siya at nasa ibang bansa naman ang kanyang mister? Isinama ni Donita ang kanyang anak dito sa Pilipinas nu’n, isa pang pahimakas na hindi maganda ang relasyon nilang mag-asawa, na ngayon lang inamin ni Donita Rose na tapos na nga.

Sayang na relasyon pero tanggap na ng aktres ang nangyari, ang mahalaga ay ginawa niya ang lahat-lahat para mabuo niya uli ang kanilang pagsasama, pero hindi ‘yun naging matagumpay.

Sa kabila ng personal na problemang pinagdadaanan niya ay napakaganda pa rin ni Donita Rose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending