Anne nangampanya para ituloy ni Angel ang Darna
HMMMM, parang merong “mutual admiration” club ngayon sina Anne Curtis, Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Nauna nang nag-viral sa social media ang photos nina Angel at Angelica na ibinandera nga sa buong mundo kung gaano sila kasaya ngayon. Tila wala na silang pakialam sa mga sasabihing nega ng bashers lalo pa’t minsan na rin silang nagkaroon ng away noon.
Pero dedma ang dalawa dahil mukhang genuine naman ang happiness nila. For sure, ang naging dialogue ng dalawa ay “Mamatay kayo sa inggit, mga nega!?” At nitong weekend lang, tila nangangampanya naman si Anne para matuloy na ang paglipad muli ni Angel bilang Darna. Sinagot ni Anne ang tanong ng follower kung sino sa palagay niya ang bagay na mag-Darna.
Which brings us to ask again, kelan na nga sisimulan ang bagong Darna? Last year pa namin (sa MMFF 2015) kasi napanood ang teaser nito pero until now wala pa ring linaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.