Kung lalaki talaga kayo kahit pumatol kayo sa bakla lalaki pa rin kayo!- Vice | Bandera

Kung lalaki talaga kayo kahit pumatol kayo sa bakla lalaki pa rin kayo!- Vice

Ervin Santiago - July 13, 2016 - 12:05 AM

viceganda
NAG-TRENDING ang statement ni Vice Ganda sa 5th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday tungkol sa kabaklaan. Sinagot kasi ng TV host-comedian ang tanong na, “Kapag pumatol ba ang lalaki sa bakla, bakla na rin siya?”

Ang diretsong tugon ni Vice, “Hindi. Kapag pumatol ang bakla sa lalaki hindi nangangahulugang magiging bakla rin siya. “Pag ang bakla ba pumatol sa lalaki magiging lalaki kami? Hindi naman, ganu’n din kayo. Kasi bakla kami. Kung lalaki talaga kayo kahit pumatol kayo sa bakla lalaki pa rin kayo. Kung pumatol kayo sa bakla kung bakla na kayo, bakla kayo.

“Hindi kayo pumatol sa bakla kaya kayo naging bakla. Kaya kayo naging bakla, kasi bakla talaga kayo. Kaya pag ang lalaki pumatol sa bakla, lalaki ka pa ring mananatili,” litanta ni Vice. Nabanggit din ng gay comedian ang tungkol sa SOGIE, “Isa itong acronym na ang ibig sabihin ay Sexual Orientation, Gender Identity and Expression. Yung sexual orientation walang kinalaman sa gender identity. Ang gender identity walang kinalaman sa gender expression.

“Kaya kung ang sexual orientation mo pumapatol ka sa bakla, sexual orientation mo yun. Pero kung ang gender identity mo lalaki ka, kahit pumapatol ka sa bakla, kung lalaki ka, lalaki ka. “At kung lalaki ka, kung ang gender expression mo gusto mo magpalda, kahit magpalda ka, kung ang gender identity mo ay lalaki, lalaki ka,” paliwanag pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending