AI AI: Kung binubugbog ako, nasa ospital ako ngayon! | Bandera

AI AI: Kung binubugbog ako, nasa ospital ako ngayon!

- March 05, 2013 - 05:15 PM

aiai delas alasHindi raw siya sinasaktan ng batang boyfriend

Tulad ng aming inaasahan, nagpa-interview nga si Ai Ai delas Alas sa The Buzz noong Linggo.

Dinenay niya na isa siyang battered girlfriend.

“Hindi naman totoo ‘yon. Bubugbugin ako ni Jed (Salang) nasa ospital na ako ngayon. Ang laki niya, e, 6’ 2’ siya.

Kita mo naman, ako (ang) liit-liit ko,” paglilinaw ng Comedy Queen.

Pagbibiro pa ni Ms. A, siya pa raw ang “nambubugbog” kay Jed, “Pag nanggigigil ako, harot-harot, nagkakasakitan, pero harutan lang ‘yon.

Sana wag nating i-judge muna siya o ako.

Minsan may mga bagay sa isang relasyon di naman perfect.”

Sinabi rin ni Ai Ai na talagang nag-effort daw ang boyfriend niya na suyuin siya uli para maayos ang kanilang relasyonInamin din niya na marami pa rin siyang insecurities hanggang ngayon dahil na rin sa mga past relationships niya

. “So ‘yung insecurities ko nagkapatong-patong ‘yung tampuhan namin nagkapatong-patong.

Nung pumunta ako sa Amerika, du’n ko na-realize na siguro bigyan ko ang sarili ko ng chance na umibig ulit,” paliwanag pa ng Comedy Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Ang ipa-promise ko lang po tatrabahuhin namin na maging maganda, na maging maayos, na maging forever ang relasyon namin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending