Vice, Coco muling magsasama sa pelikula para sa MMFF 2016 | Bandera

Vice, Coco muling magsasama sa pelikula para sa MMFF 2016

Reggee Bonoan - July 11, 2016 - 12:05 AM

vice ganda at coco martin

PALAISIPAN sa amin kung sequel ng “Beauty And The Bestie” ang pelikulang gagawin ulit nina Vice Ganda at Coco Martin na ididirek ni Binibining Joyce Bernal. Sa pagkakaalam namin, ito raw ang isasali ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Kaya namin nasabing palaisipan ay dahil pareho ang casting ng bagong pelikula nina Vice at Coco, naiba lang ang direktor. Ang yumaong si Wenn Deramas ang nagdirek ng 2015 MMFF entry na “Beauty And The Bestie”.

“Iba ang kuwento, pareho lang ang casting, may pagka-modern ang family ng kuwento,” sabi ng napagtanungan namin sa ABS-CBN. As of this writing ay walang malinaw na sagot kaming nakuha tungkol sa proyekto dahil kaka-present pa lang daw nito sa mga ehekutibo ng Star Cinema.

Isa lang ang sigurado namin, pulis o military ang papel ni Coco sa pelikula bilang protector ni Vice na para ngang swak sa part 2 ng “Beauty And The Bestie”. Kung matatandaan ganito rin ang naging tema ng “Beauty And The Bestie” lalo na nang makipaglaban na sina Coco at Vice sa mga kontrabida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending