Dasal ni Enrique: Si Liza na ang forever ko!
BOTONG-boto ang nanay ni Enrique Gil na si Mrs. Bambi Gil kay Liza Soberano kung magiging girlfriend man ito ng kanyang anak.
Sa panayam ng ABS-CBN sa mommy ni Enrique, sinabi nitong good influence si Liza sa binata. Bukod dito, gandang-ganda rin siya sa Kapamilya actress. Dagdag pa nito sa nasabing interview, “Mabait na bata and she’s very mature for her age. And she’s very responsible. So I like the influence that she has on my son. I’m happy about that. That’s all I can say.”
Patuloy namang umaasa at nagdarasal si Enrique na magkakaroon din sila ng seryosong relasyon ng kanyang ka-loveteam sa Dolce Amore very, very soon. “Papunta na doon. Napi-feel ko na kasi matagal na rin kaming nagsasama. Ang pangit na kami ang nagpauso nitong forever tapos kami iyong hindi magkaka-forever,” napangiting chika pa ng binata.
Ibinandera rin ng aktor na napakainit ng pagtanggap ng kanyang pamilya kay Liza, “Actually she was the only girl ever na approved right away na walang problema. Yeah that’s true. Liza is really a good girl and she balances me out.”
Kamakailan, binigyan na rin ng tatay ni Liza na si John Castillo si Enrique na ligawan ang dalaga. “Pero sabi niya sa akin na, ‘Know your priorities’,” sabi ni Liza na umaasa ring magkakaroon sila ng “forever” ni Enrique.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.