Female star nagsuplada sa beauty pageant sa probinsya | Bandera

Female star nagsuplada sa beauty pageant sa probinsya

Cristy Fermin - July 11, 2016 - 12:10 AM

BLIND ITEM WOMAN 0219

NANINIWALA na nga-yon ang mga kababayan natin sa isang lugar sa Norte na totoo nga ang mga kuwentong kumakalat tungkol sa kamalditahan ng isang female personality.

Kung ang kanyang mga interbyu lang kasi ang mapapanood ay puwede pang sabihin na kuwento-kuwento lang ang mga kapintasan ng aktres, banayad kasi siyang magsalita, malam-bing pa at palaging nakangiti. Pero kahit saan siya magpunta ay isa lang ang napapansin ng ating mga kababayan, parang takot na takot siya sa tao, parang natatakot siyang magalusan na ewan.

Nu’ng minsang maimbitihan bilang judge sa isang beauty pageant sa isang bayan sa Norte ang magandang aktres ay palagi siyang nakasima-ngot. Naisip na lang ng mga miron na nami-miss na siguro niyang masyado ang kanyang boyfriend na aktor kaya siya ganu’n.

Kuwento ng aming source, “Alam niya namang public figure siya, alam niya namang matao sa pupuntahan niya, di sana, prepared na ang sarili niya sa ingay at sa mga tagaroon na magpapa-picture sa kanya. “Hindi yata niya alam na isa ang pakikipag-picture taking sa mga binabayaran sa mga artista kapag naiimbitahan sila sa mga probinsiya, e!

“Ano naman ang gagawin niya du’n, basta mauupo lang? Natural, may mga kakamay sa kanya, may bebeso, may magpaparetrato! Pero palagi siyang nakasima-ngot, para siyang nababahuan sa paligid niya. “Palagi siyang ganu’n, mabait lang siya sa harap ng mga camera, pero sa personal, maldita ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, alam mo bang because of her, e, maraming kababayan natin sa lugar na puntahan niya ang nag-uwian na lang kesa sa manood sa beauty pageant?
Gets mo na kung sino siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending