Ai Ai binatikos ng netizens dahil sa ipinost na litrato ni Digong
INULAN ng panlalait at pang-ookray ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang mag-post siya ng litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Instagram account kamakailan. Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain sa Kapuso star dahil dito. May tumawag sa kanyang balimbing, papampam, KSP (kulang sa pansin), laos at kung anu-ano pa.
Ang nasabing litrato ay kuha ni Ai Ai habang ginaganap ang unang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA last Tuesday. Ipinost niya ito sa IG na may caption na: “Ang pangulo… President Rodrigo Duterte (grabe nung dumating sya chant yung pangalan niya mahal ng Pinoy). “Sayang di ako nakapagpa-picture. Nahiya ako. Tapos noong malakas na loob ko, nagsimula na yung 3rd quarter hahaha.
“Eto nganga wala kami pic…At least na picturan ko siya. Lakas maka-starstruck ni Mayor President!”
Sunud-sunod na mga negatibong komento ang nabasa namin laban kay Ai Ai nang dahil lang sa nasabing IG photo. Very open naman kasi ang komedyana noon sa pagsuporta niya kay former Vice President Jejomar Binay last elections, pagkatapos ngayon ay parang sumisipsip daw siya kay Digong.
May mga followers naman si Ai Ai na nagtanggol sa kanya ngunit mas marami ang nam-bash sa komedyana. Sa isang panayam, ipinagtanggol ng Comedy Queen ang kanyang sarili sa bashers, aniya, nanood lang daw siya ng basketball at na-amaze sa mga taong nasa court kung paano nila ipinaramdam ang kanilang pagmamahal kay Duterte.
“Sinabi ko bang Duterte ako? Dapat mag-move on na. Saka, hahanga ka naman talaga sa kanya, e. Di pa nga siya umupo, ang dami nang nahuli na drug lords or napatay,” sey pa ni Ai Ai sa nasabing inteview. Dagdag pa niya, kay Binay pa rin daw ang puso niya at kung nandoon lang sa laro ng Gilas ang dating VP, dito raw siya magpapa-picture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.