Sulat mula kay Ramiro ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City
Dear Sir Greenfield,
Marahil ay masyado akong naabala sa pagta-trabaho bilang pampublikong guro sa aming bayan, at sa pag-aasikaso sa aking pa-milya. Ako kasi ang pa-nganay, kaya umabot ako ng 36-years-old nang hindi man lamang nagkaka-girlfriend. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa edad ko bang ito may posibilidad pa kayang ako ay magkaroon ng girlfriend at makapag-asawa. Kung magkaka-girlfriend ako, siya na kaya ang mapapangasawa ko at kailan naman kaya siya darating sa buhay ko. March 16, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Ramiro ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang may kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) na namataan sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na hindi ka dapat mainip o mawalan ng pag-asa, dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda magkaka-nobya ka, makapag-aasawa, at magkakaroon ng isang masaya at pang habambuhay na pamilya.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ace of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang babaing mabait na medyo maputi ang kulay ng balat na isa ring professional na tulad mo ang nakatakdang dumating sa taon ding ito ng 2016, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre habang papalapit na ang kapaskuhan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.