‘I Love You To Death’ nina Enchong at Kiray binigyan ng PG-13 ng MTRCB
NAPANOOD namin ang “I Love You To Death” nina Enchong Dee at Kiray Celis sa advance screening nito sa SM Megamall cinema 7 noong Biyernes at talagang tawang-tawa kami sa kuwento nito and at the same time, natakot din kami sa mga nakakagulat na eksena.
Hindi namin nasimulan ang pelikula kaya sisiguruhin namin na mapanood ito Hulyo 6 na binigyan ng MTRCB ng Rated PG-13 dahil sa ilang maseselang eksena. Sobrang in-love sina Tonton (Enchong) at Gwen (Kiray) sa isa’t isa na nangakong magmamahalan hanggang kamatayan. Hindi naman alam ni Kiray na talagang patay na ang kanyang fiancé.
Laking gulat ni Kiray kasama ang mga kaibigan na pinapupunta sila ni Tonton sa bahay nito sa isang malayong lugar para magpakasal na sila. Ang ganda ng kasal na ginanap sa bundok, katulad ito ng isang eksena sa pelikulang “Twilight” nina Robert Pattinson at Kristen Stewart.
Pero ang nakapagtataka walang pamilya o kaibigan si Tonton na dumalo sa kasal kaya dito na nagduda ang mga kaibigan ni Gwen. In fairness, napatawa uli kami ni Kiray tulad din sa last movie niyang “Love Is Blind”, magaling naman talaga kasi ang timing ng komedyana kaya sabi nga namin, puwede na siyang tawaging Comedy Princess.
Morbid ang mga eksenang pagpatay ni Enchong kaya tama lang na bigyan ito ng PG-13 rating. Grabe ang reaksyon ng mga tao sa sinehan, tumatawa at nagagalit ang mga ito dahil nga itong si Kiray, natatakot na, pero nakakatawa pa rin ang pinagsasabi habang hinahabol ni Enchong.
Ang saya-saya ni Mother Lily Monteverde na producer ng “I Love You To Death” at ng direktor na si Mico Livelo dahil sa magagandang komento ng mga nanood. Binati rin ng press si Kiray dahil posibleng maging another hit na naman ito ng Regal Films. Showing na sa Hulyo 6 ang I” Love You To Death”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.