Tenorio, Abueva laglag sa Final 12 dahil sa height
NAKAKATUWA naman ang ipinakitang attitude nina LA Tenorio at Calvin Abueva na kahit nasa Italy pa at mayroong mga tune up games in preparation for the Qualifying Tournament in Manila ngayong July, ay maginoo pa ring tinanggap ang hindi nila pagkakasali sa final 12 ng Team GILAS.
Silang dalawa nga ang hindi napasama sa final 12 ng koponang susubok uli na makakuha ng slot para sa darating na 2016 RIO Olympics sa Brazil. Ayon sa nasagap naming tsika, posibleng ang kakulangan sa height ang pinakarason kung bakit eventually ay nawala sa listahan ang dalawang magagaling at popular na basketball superstars.
Hindi nga naman basta-basta mga higante lang mula sa mga bansang sasabak sa torneo ang haharapin nila kaya’t kahit masakit na matanggal ang dalawa ay kinailangan itong gawin ng mga namumuno sa Team GILAS. Ayon nga sa paliwanag ni GILAS team manager Butch Antonio, “It’s team first before themselves. In any team naman or in any sports, when you cut players, its always the hardest part.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.