Relasyon nina Anne at erwan winawasak, Sam damay
APEKTADO si Anne Curtis sa naging komento ng isa niyang follower sa Instagram na diumano’y may motibong sirain ang pagkakaibigan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby. Tila napikon kasi ang Kapamilya TV host-actress sa mga pinagsasabi ng nasabing netizen nang mag-post siya ng lumang litrato nila ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff na kuha sa Croatia noong 2011.
Idinamay pa raw kasi ng bastos na netizen si Erwan at ang sinasabing girlfriend ngayon ni Sam na si Mari Jasmine na isang Filipino-British model sa pagtatangkang wasakin ang kani-kanilang personal na buhay. Pero kahapon, hindi na ma-search ang komento ng nasabing netizen kaya marami ang nagtanong ng fans ng aktres kung ano ang mga pinagsasabi ng basher.
Ayon naman sa ilang followers ni Anne, may kinalaman nga ito sa relasyon ng It’s Showtime host kay Erwan at sa ex-BF nitong si Sam. Tila may malisya kasi ang mga ipinost ng netizen. Narito ang kabuuang mensahe ni Anne para sa nasabing basher. “Seriously? You keep posting and it’s funny and annoying at the same time. Firstly, have you not seen my past travels with all of our photos together?
“This is not our first photo together that I’ve posted. He has been my boyfriend for the past 6 years.
“Sam and I are good friends and I have known about him and Mari way before you probably even did. It’s a super non-issue.
“In fact I am genuinely happy for Sam. So, please stop being kulit and trying to making an issue and just be happy for the both of us, ok? At least we are both happy now,” ang sabi pa ng Kapamilya actress.
Matapos mag-post si Anne sa kanyang IG, muling sumagot ang kanyang basher at humingi na ito ng sorry sa kanyang mga nasabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.