Neri: Maselan ako magbuntis kaya bawal ma-stress! Super alaga ako ng asawa ko! | Bandera

Neri: Maselan ako magbuntis kaya bawal ma-stress! Super alaga ako ng asawa ko!

Ervin Santiago - June 29, 2016 - 12:01 AM

neri naig at chito miranda

“OO, maselan ako magbuntis kaya bawal stress!” Ito ang ibinahagi ng misis ni Chito Miranda na si Neri Naig sa kanyang social media followers na nagtatanong tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.

Halos isang buwan ding hindi nag-post ng anumang litrato o mensahe ang aktres sa kanyang Twitter at Instagram accounts kaya na-miss siya ng kanyang mga tagasuporta. Pero nitong Lunes, nagdesisyon siyang ipaalam sa kanyang followers ang tunay na kundisyon ng kanyang pagbubuntis matapos siyang makunan last year.

Ani Neri, “Kaya maraming iniiwasan. Bawal stress. Happy thoughts lang lagi. Gusto ko tahimik lang. Mga kapatid, asawa ko, at nanay ko lang kinakausap ko. Mga kaibigan ko, hindi ko pa rin kinakausap, haha! Kaya sa mga friends ko, hello! Alam ko miss na miss nyo na ako! Haha!

“Hindi rin ako nanonood masyado ng TV maliban na lang kung Game of Thrones, House Hunters International, or Flea Market Flip. Kapag nakakabangon naman ako at di nahihirapan, I paint. Or nagpa-puzzle ako. Or kumakanta,” unang mensaheng ipinost niya sa Instagram.

Dugtong pa niya, “I am very thankful kase super ako alagaan ng asawa ko kahit gaano pa sya kapagod sa trabaho at byahe. Kahit nahihirapan ako, andyan siya lagi at napapagaan nya kahit papaano ang pakiramdam ko.

“Kaya saludo ako sa lahat ng mga mister na andyan para sa mga misis nila lalo na’t nahihirapan magbuntis. “Sinasabi sa akin ng asawa ko mga messages nyo. Di ko hawak lagi ang telepono ko. Iwas talaga ako now. Gusto ko relax lang at tahimik. Salamat sa pagmamahal nyo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending