Transgender solon ayaw patawag ng congressman, nagbanta | Bandera

Transgender solon ayaw patawag ng congressman, nagbanta

Leifbilly Begas - June 28, 2016 - 06:25 PM
  Geraldine-0329 Nagbanta si incoming Bataan Rep. Geraldine Roman na kakasuhan ang mga tao na tatawag sa kanyang congressman.      Ayon kay Roman, ang unang transgender na naluklok sa Kamara de Representantes, na siya ay isa ng babae.      “I will file cases to those who will call me as congressman,” ani Roman na pumalit sa kanyang inang si Herminia Roman bilang mambabatas. “I am legally and anatomically a female.”      Hindi rin umano niya problema kung saang banyo pupunta lalo at mayroon namang sarili ang kanyang tanggapan.      Si Roman ay sumailalim sa sex reassignment surgery noong siya ay 26 sa New York. Legal niyang pinalitan ang kanyang pangalan at kasarian.      Sinabi ni Roman na kanyang isusulong ang mga panukalang batas para maging pantay ang pagtrato sa mga LGBT (Lesbian, Gays, Bisexual and Transgender).      Nauna ng sinabi ni Roman na mahirap na maisabatas sa kasalukuyan ang same sex marriage kaya ang isusulong na lamang niya ay civil union o pagkilala sa karapatang pantao ng mga magkapareho ang kasarian na nagsasama.      “Congress is a numbers game, and if you try to pass same sex marriage, baka hindi mag-prosper (it might not prosper). I don’t think it’s gonna be passed,” ani Roman. “If you try to pass something that will not hurt the sensibilities, such as civil union, you might have a chance.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending