Ika-2 panalo puntirya ng EAC, San Beda, Mapua | Bandera

Ika-2 panalo puntirya ng EAC, San Beda, Mapua

Angelito Oredo - June 28, 2016 - 12:10 AM

eac

Mga Laro Ngayon
(San Juan Arena)
12:00 nn CSJL vs EAC
2:00 pm LPU vs SBC
4:00 pm CSB vs MIT
Team Standings: SBC Red Lions (1-0); Mapua Cardinals (1-0); Arellano Chiefs (1-0); SSC-R Stags (1-0); EAC Generals (1-0); Lyceum Pirates (0-1); CSB Blazers (0-1); UPHSD Altas (0-1); JRU Heavy Bombers (0-1); Letran Knights (0-1)
TATLONG laro ang tampok sa pagpapatuloy ng ng 92nd NCAA men’s basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.
Unang magsasalpukan ang Letran Knights at Emilio Aguinaldo College Generals alas-12 ng tanghali.
Susundan ito ng sagupaan sa pagitan ng Lyceum Pirates at San Beda Red Lions ganap na alas-2 ng hapon.
Huling maglalaro ang St. Benilde Blazers at Mapua Cardinals dakong alas-4 ng hapon.
Nanalo sa kanilang mga unang laro ang EAC, San Beda at Mapua para sa 1-0 baraha habang natalo naman ang Letran, Lyceum at St. Benilde sa kani-kanilang mga opening games.
Samantala, nakatutok ngayon ang atensyon ng NCAA fans sa Filipino-American player ng San Beda na si Davon Potts.
Sa una nitong laro, ang rookie transferee mula US NCAA Division II California State ay umiskor ng 16 puntos kabilang ang siyam na mahahalagang puntos sa fourth quarter para tulungan ang Red Lions sa 89-85 panalo laban sa Knights noong Sabado.
Ang ina ng 23-anyos na si Potts ay taga-Rosario, Cavite.
“I’m personally told I am just a piece of the puzzle. I will do my best to contributed to the team’s success because we all know San Beda has a winning culture and I just want to take part of it,” sabi Potts. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending