Baron: Pareho kaming panalo sa laban na 'to! Tanggal na ang yabang! | Bandera

Baron: Pareho kaming panalo sa laban na ‘to! Tanggal na ang yabang!

Ervin Santiago - June 27, 2016 - 12:30 AM

baron geisler at kiko matos

SUMUGOD sa Valkyrie The Palace sa The Fort ang ilang kilalang celebrities para saksihan ang bugbugan nina Baron Geisler at Kiko Matos nitong nagdaang Sabado ng gabi.

Walang natalo at wala ring nanalo sa MMA exhibition fight ng dalawang aktor na ginanap sa cage ring ng URCC dahil unanimous draw (19-19) ang naging huling desis-yon ng mga hurado pagkatapos ng dalawang three-minute rounds ng laban.

Hindi naman naging brutal ang kabuuan ng bakbakan ngunit kitang-kita sa mukha nina Baron at Kiko na hindi nila pineke ang laban. Naniniwala rin ang mga nanood ng exhibition match na hindi ito scripted dahil ramdam na ramdam nila ang “galit” ng isa’t isa habang nagbubugbugan sa loob ng ring.

Natuwa naman ang mga tagasuporta at mga kaibigan ng dalawa dahil pinairal pa rin ng mga ito ang pagiging sports dahil pagkatapos nga ng bakbakan ay nagyakap sila at sinabing tapos na rin ang kanilang alitan na nag-ugat sa naging bayolenteng engkwentro nila sa isang bar.

Ayon kay Kiko, “Wala na kong galit kay Baron. ‘Yung mga asaran namin, asaran lang ‘yun. Wala nang dapat pag-awayan, OK na po ako kay Baron Geisler.” Dugtong pa niya, “Hindi ko naman habol ang manalo, ayaw ko lang matalo. OK lang ang draw.”

Sa naging takbo ng labanan, parehong naka-score nang matindi ang dalawang aktor. Ilang beses na napatumba ni Kiko si Baron ngunit nakuha pa rin nitong makaganti ng ilang sapak at sipa kay Kiko lalo na nang mapagod na ito sa second round.

Sa panayam ng media kay Baron sinabi nito na itinodo na niya agad ang kanyang lakas sa unang round pa lang, “Nu’ng una, what I did is to survive the round, sabi ko kailangan bigay todo agad.” “But I respect Matos. I think masyado lang akong naging kampante. But my team is proud of me because I only trained for five days,” pahayag pa ni Baron.

Kung siya raw ang masusunod, kailangan pa niyang mag-training ng ilang linggo, “I just took the challenge. I don’t pick fights and I never back down. I still feel I’m the winner here. We both are, but I feel na-challenge ko ang sarili ko. Magiging humble na ko paglabas ko.”

Ipinagdiinan din ni Baron na sincere yung pagbabati nila ni Kiko sa loob ng ring, “Oo, wala na, wala ng pride. Tanggal na ‘yung yabang. I believe we both respect each other as actors and human beings. Congratulations, Kiko.”

For his part, naramdaman naman daw ni Kiko ang sincerity ni Baron, “Yung niyakap ko siya sa ring, sa akin po totoo po yon. Totoo rin ‘yung kayap ni Baron. Ang sabi ko mahal ko siya, wala nang bigwasan.” Nang tanungin naman ang magaling na indie actor tungkol sa kontrobersyal na pag-spray niya ng ihi sa mukha ni Baron during the weigh in, aniya, “Hindi naman ihi yun, beer lang ‘yun.”

Samantala, talagang tinutukan ng mga kilalang artista ang nasabing MMA fight. Ilan sa mga nanood ng laban ay sina Richard Gutierrez, Tim Yap (owner ng Valkyrie), Bela Padilla and boyfriend Neil Arce, Meryll Soriano, Solenn Heussaff, Cristine Reyes with husband Ali Khatibi, Alex Medina at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending