Malaysia, Indonesia nais na mas umaksyon ang PH vs Abu Sayyaf
NAIS ng Malaysia at Indonesia na gumawa ng mas kongkretong aksyon ang Pilipinas laban sa bandidong Abu Sayyaf.
Sinabi ni Malaysian Foreign Minister Datuk Seri Anifah Aman na nais nila ni Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi na makipagpulong kay incoming Foreign Secretary Perfecto Yasay pagkatapos niyang maupo sa puwesto.
“We can meet in Jakarta, Malaysia or Manila. We need to have this urgent meeting,” sabi ni Anifah matapos ang pagkakadukot sa mga crew ng Indonesian tugboat sa karagatan ng Sulu Sea.
Idinagdag ni Anifah na magpapaalam si Prime Minister Datuk Seri Najib Tun Razak para makipagpulong kay incoming President Rodrigo Dutarte pagkatapos ng kanyang inagurasyon sa Hunyo 30.
“I would like to stress upon the seriousness of this problem that involves Filipino nationals. We accept that it is a complex issue. The Philippines military has been going after these people with limited success,” sabi ni Alifah.
Idinagdag ni Anifah na kapwa sila nababahala ni Retno sa patuloy na ginagawang pagdukot ng Abu Sayyaf kung saan tinatarget ang mga tripolante.
Noong Hunyo 24, dinukot ang pitong miyembro ng crew ng isang Indonesian tugboat sa Sulu Sea na hangganan ng Pilipinas at Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.