Si Imee at ang renewable energy ng Ilocos Norte
NITONG nakaraang araw, nagkaroon ng yellow warning sa suplay ng kuryente sa Luzon. Na-ngangahulugan ang yellow warning ng posibilidad na magkaroon ng power interruption dahil sa manipis na reserba sa suplay ng kuryente.
Sa harap ng problema sa suplay ng kuryente sa bansa, napapanahon lamang na magkaroon ng alernatibong pinagkukunan ng kuryente sa bansa.
Isa sa may potensiyal na pagkunan ng karagdagang suplay ng kuryente sa bansa ay mula sa solar power.
Kabilang sa mga nagsusulong ng renewable energy ay ang lalawigan ng Ilocos Norte, sa pangunguna ni Governor Imee Marcos.
Dahil sa isinasagawang pagsusulong ni Imee sa renewable energy bilang alternatibong pingakukunan ng suplay ng kuryente, kinilala ang Ilocos Norte bilang “Renewable Energy Capital” hindi lang sa bansa kundi sa buong South East Asia.
Ito nga ay dahil na rin sa matagumpay nitong programa kaugnay ng community-based solar power plant na matatagpuan sa bayan ng Dingras.
Mismong ang Department of Energy (DOE) ang kumilala sa electric cooperative ng Ilocos Norte na Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) dahil sa pagkakaroon nito ng sariling solar power plant.
Inaasahan na masusuplayan na ng solar power plant ang Dingras at Sarrat sub-stations sa silangang bahagi ng Ilocos Norte dahil sa kapasidad nito na one megawatt.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng anim na buwan ang tuluyan nang pakikinabangan ng mga residente rito, matapos namang magsimula ang konstruksyon sa unang bahagi ng 2016.
Itinayo ang proyekto sa pamamagitan ng build-operate transfer (BOT) scheme, kung saan pangangasiwaan ng INEC ang operasyon nito at maii-turnover ng tuluyan ang solar power plant kooperatiba makalipas ang 15 taon.
Isang magandang ehemplo ang ginagawa ng pamahalaang lokal ng Ilocos Norte sa panunguna ni Marcos.
Dapat ay gayahin ng ibang lokal na pamahalaan ang isinusulong ni Marcos na renewable energy na siyang magiging sagot sa kakulangan ng kuryente
Suportado ng mga environmental groups ang pagtatayo ng renewable energy dahil sa bukod sa makakaragdag ito para sa pangangailangan natin sa suplay ng kuryente, ito ay environment-friendly rin.
Kailangan lamang ng mga lokal na pamahalaan ng political will para magkaroon ng sariling pinagkukunan ng enerhiya ang kanilang nasasakupan at hindi lang umaasa sa national government.
Determinasyon at political will na gaya nang ipinamalas ni Marcos at ng kanyang lokal na pamahalaan ang maaaring sagot sa problema sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.