Bagito sa PhilHealth | Bandera

Bagito sa PhilHealth

Liza Soriano - June 25, 2016 - 12:10 AM

MAGANDANG araw Madam! Kakagraduate ko pa lang po ng kolehiyo at ako ay nagsisimula nang maghanap ng trabaho. Ngunit sa aking mga inaplayan ay hinihingan ako ng Philhealth. Paano ba makakuha ng Philhealth? Saan ko makukuha ito? Sana ay matulungan ninyo ako. Maraming Salamat po.
Ma. Victoria Bunayog
REPLY: Bb. Bunayog:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Mayroon po tayong dalawang paraan upang makapagparehistro sa ilalim ng Informal Economy Member (Individually Paying Member). Narito po ang mga paraan ng pagpapa-rehistro sa ating programa:

A. Sa pamamagitan ng online registration:

1. Bisitahin ang aming website o i-access anghttps://eregister.philhealth.gov.ph/ ;
2. Matapos ang successful registration, matatanggap ang inyong MDR sa pamamagitan ng email;
3. Bumisita sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth upang makakuha ng PhilHealth ID

B. Sa pamamagitan ng Over-The-Counter o sa PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO):

1. Punan ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) ;
2. Isumite ang mga ito sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth upang makuha ang inyong PhilHealth ID at MDR

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending