James Yap napapabayaan na si Bimby dahil sa bagong baby; inokray ng netizen
“DI ko alam kung nandito sila eh. Nandito ba sila?”
‘Yan ang nakakalokang sabi ni James Yap when asked kung bakit hindi siya nag-celebrate ng Father’s Day with Bimby.
All the while pala ay clueless si James kung nasaan si Bimby. Hindi pala niya alam na nagpunta ng Hawaii at US sina Kris Aquino, Josh and Bimby for a well-deserved vacation.
That said, we felt na hindi masyadong natututukan ni James ang anak na si Bimby. That’s quite understandable kasi ang concentration niya ngayon ay ang kanyang magiging anak kay Michela Cazzola.
Pero sabi nga ng ilang bashers dapat daw alam pa rin niya ang nangyayari sa buhay ng anak niya dahil siya pa rin ang tatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.