Mark: Kahit kailan hindi ko ikinahiya ang magulang ko kahit bading sila!
PROUD si Mark Herras sa mga kinalakihan niyang magulang kahit pa parehong miyembro ng LGBT community ang mga ito. “My parents are both gay. I’m proud sa parents ko,” diretsong pahayag ng Kapuso leading man.
Straight guy na napilitang magpanggap na bading ang role ni Mark sa bagong programa ng GMA 7 na Conan My Beautician kung saan makakatambal niya si Miss World Megan Young. Sa presscon ng show natanong ang binatang ama kung hindi ba siya na-confuse sa kanyang kasiraan dahil sa kanyang adoptive parents?
“Hindi naman ako kahit minsan nagkaroon ng bahid. Wala akong naging problema na makihalubilo sa gay people kasi yun din ang kinalakihan ko,” aniya.
Kuwento pa ni Mark, “Yung nag-ampon sa akin, yung tito ko, kasi kapatid siya ng nanay ko. So, parang hindi na rin siya itinuturing na ampon, it’s like ibinigay ako ng nanay ko sa kapatid niya.”
May dyowang lalaki ang kanyang tito na kinilala na rin niyang tatay, “They are the two people na malaki ang impact sa buhay ko na gay. Kasi, from baby hanggang ngayon, sila ang kasama ko, well, except from my dad, patay na siya. Yung tito ko, kasama ko pa rin.”
Dagdag pang paliwanag niya, “Hindi naman ako nagkaroon ng question, pero siyempre, bilang bata, na-experience ko nu’ng bata sa mall, medyo nahihiya ako, wala pa akong naiintindihan sa buhay. Hanggang sa lumaki ako, hindi ko naman siya actually ikinahiya. Never kong ikinahiya ang mga magulang ko.
“I’m very proud and I’m very open about telling people kung ano yung background ng family ko. I’ve never been ashamed of them. Walang dapat ikahiya,” aniya pa. Diretso ring sinabi ni Mark na wala pa siyang naging lover na gay.
Anyway, ibang-ibang Mark Herras ang mapapanood ng mga Kapuso sa Conan My Beautician dahil bukod sa pagdadamit-babae, marami pa siyang pasabog para sa programa na first time raw niyang gagawin. Makakasama rin niya rito sina Lotlot de Leon, Cacai Bautista, Jerald Napoles, Betong Sumaya, Vangie Labalan, Boobsie at marami pang iba. Magsisimula na ang Conan My Beautician sa June 26, Linggo sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.