Jolo Revilla, Jodi Sta. Maria matagal nang hiwalay | Bandera

Jolo Revilla, Jodi Sta. Maria matagal nang hiwalay

- June 22, 2016 - 04:32 PM

HIWALAY na nga sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla.

Mismong ang Kapamilya actress ang nagkumpirma na tapos na ang relasyon nila ng actor-politician na tumagal din ng ilang taon.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Jodi diretso niyang sinagot ang tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jolo, “No, we are no longer together, but we are friends.”

Usap-usapan na sa apat na sulok ng showbiz na matagal nang nag-break ang dalawa. Kung matatandaan isa ito sa mga sinasabing rason kung bakit sobrang na-depress si Jolo noon kaya raw nagtangka itong magbaril sa sarili sa loob mismo ng kanyang kwarto.

Ngunit pinabulaanan ito ng dating magdyowa sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang mga litrato. Si Jodi pa nga ang nagbantay at nag-alaga kay Jolo nang ilang araw noong maospital ito pagkatapos aksidenteng mabaril ang sarili.

Kamakailan lang ay nakita pang magkasama ang dalawa sa isang event kung saan bitbit pa nila ang kanilang mga anak na sina Thirdy at Gab. Ibig sabihin, friendly date na lang pala ang kanilang ginagawa.

Sa panayam naman kay Jolo, sinabi nitong totoo na hiwalay na sila ni Jodi at mutual decision naman daw ang kanilang break-up. Sey pa ng batang politiko, “I wish her the best.”

Ayaw na raw magdetalye pa ni Jolo tungkol sa mga rason kung bakit sila naghiwalay ni Jodi, basta ang focus daw niya ngayon ay ang pagsisilbi bilang vice-governor ng Cavite. Aniya, naniniwala siyang darating at darating din ang tamang babae para sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending