Mga preso sa Bilibid itinanggi ang pabuya para sa ulo nina Duterte at Bato | Bandera

Mga preso sa Bilibid itinanggi ang pabuya para sa ulo nina Duterte at Bato

- June 21, 2016 - 04:23 PM

rodrigo duterte

ITINANGGI ng 16 na preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) na nagkukuntsabahan sila para ipapatay si President-elect Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa.
Nauna nang ibinunyag ni dela Rosa na nag-aalok ng pabuya ang mga drug lord para sa ulo niya at ni Duterte.
Idinagdag ni dela Rosa na mula sa P10 milyon, itinaas sa P50 milyon ang pabuya para s kanila ni Duterte.
Ngunit ayon sa source ng INQUIRER.net mas malaki na ang pabuya matapos mag-alok ng P50 milyon ang kada isang drug lord.
“Kami ay nanindigan na walang sinuman sa amin ang sangkot sa planong ito kung totoong mayroon man,” sabi ng manifesto na pinirmahan ng 16 na preso, na ipinadala sa Justice Secretary Emmanuel Caparas.
Kabilang sa mga pumirma sa manifesto ay sina Jaime Patcho, German Agojo, Mario Tan, Jerry Pepino, Engelberto Durano, Rodel Castellano, Tomas Donina, Noel Martinez, Eustaquio Cenita, Herbert Colangco, Jojo Baligad, Clarance Dongail, Rico Caja, Joel Capones, Gilberto Salguero, at Edgar Sayo Cinco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending