Guro kabilang sa mga naaresto sa isinagawang raid kontra droga sa Tacurong City | Bandera

Guro kabilang sa mga naaresto sa isinagawang raid kontra droga sa Tacurong City

- June 21, 2016 - 03:07 PM
tacurong KABILANG ang isang guro sa pampublikong high school sa mga naaresto ng mga pulis matapos ang isinagawang raid malapit sa iba’t ibang bahagi ng Tacurong City.
Nahulihan si Noria Pudin, isang guro sa Tacurong City National High School, ng 74.3 gramo ng shabu sa isinagawang raid sa kanyang bahay sa Barangay New Isabela, ayon kay Tacurong City police chief, Supt. Ranie Hachuela.

Itinanggi ni Pudin na siya ay  drug pusher at itinanggi na kanya ang shabu na nakuha mula sa kanyang bahay.

Arestado rin ang mga suspek na sina Benjie Ganding
Gayan, Aliman Midtonong Salat, Nasser Midtonong at Hasser Musalim sa hiwalay na raid.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Tacurong City police jail habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending