RC Cola, Navy hangad makisalo sa liderato | Bandera

RC Cola, Navy hangad makisalo sa liderato

Angelito Oredo - June 21, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Generika vs Standard Insurance
6 p.m. RC Cola Army vs Amy’s

MAKIKISALO sa liderato ang dating All-Filipino Conference champion RC Cola-Army at ang bagong miyembro na Standard Insurance-Philippine Navy sa pagsagupa ngayon sa kani-kanilang asignatura sa ikalawang araw ng 2016 Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Unang makakaharap ng Standard Insurance-Navy ang nagbabalik na Generika sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng salpukan ng pinakaunang tinanghal na All-Filipino Conference champion RC Cola-Army na susubukan ang Amy’s Perpetual sa ganap na alas-6 ng hapon.

“We are a young but tough team,” sabi ni Generika coach Francis Vicente. “We might be lacking experience pero hindi kami basta-basta puwedeng balewalain.”

“Bago ang core namin and makikita ninyo na maliliit ang mga players at ang coach lang ang matangkad,” sabi pa ni Vicente na makakaharap ang koponan na gigiyahan ng dating national player na si Nene Chavez. “But seriously, the challenge to us is to top the league. Hindi naman basta maliliit ang aming mga players ay hindi na nila ipapakita ang kanilang husay at galing. Watch out for our team.”

“We will do our best in every game,” sabi ni Amy’s Perpetual coach Ken Molleno hinggil sa kanyang koponan.

“We will treat every game as a championship match kaya expect na mahihirapan ang aming mga kalaban manalo sa amin sa lahat ng aming game,” sabi pa ni Molleno.

“We are an aging team,” sabi naman ni RC Cola Army coach Emilio “Kungfu” Reyes.

“Kung iyong ibang koponan ay puro praktis ang ginagawa, kami puro pahinga kasi mahihina na at sumasakit ang buto ng mga players namin. But bibigyan namin ng matinding laban ang lahat ng kasaling team,” sabi pa ni Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending