Antonio kontra Barcenilla agad sa Battle of Grandmasters
MAGSASAGUPA ang kapwa Grandmaster na sina Rogelio Antonio Jr. at ang US-based na si Rogelio Barcenilla sa unang round ng 2016 National Chess Championships Grand Final (Battle of Grandmasters) men’s division na gaganapin sa Athlete’s Dining Hall ng Philippine Sports Commission sa Vito Cruz, Maynila.
Tig-tatlong silya na bubuo sa koponan sa kalalakihan at kababaihan na isasabak ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa 42nd World Chess Olympiad ang paglalabanan sa pagsasagawa ng torneo na tampok ang 14 kasali sa lalaki at 12 sa babae.
Makakasagupa ni International Master Paulo Bersamina (Elo 2378) si FIDE Master Narquinden Reyes (Elo 2342) habang makakatapat ni GM Eugene Torre (Elo 2446) si National Master Emmanuel Emperado (Elo 2309).
Makakaharap ni NM Hamed Nouri (Elo 2327) si GM John Paul Gomez (Elo 2495) habang magsasagupa agad sina Antonio (Elo 2474) at Barcenilla (Elo 2456).
Maghaharap sina IM Chito Garma (Elo 2305) kontra IM Haridas Pascua (Elo 2424) habang sina GM Darwin Laylo (Elo 2457) at NM Michael Gotel (Elo 2238) ang magtutuos.
Ang NCFP executive director at GM din na si Jayson Gonzales (Elo 2388) ay sasagupa rin sa torneo kontra sa qualifier na si John Marvin Miciano (Elo 2044).
Magkatapat naman sina Woman International Master Mikee Charlene Suede (Elo 2100) at WIM Janelle Mae Frayna (Elo 2285) habang makakasagupa ni WIM Catherine Secopito (Elo 2135) ang unranked na si Lucelle Bermundo (Elo 1890).
Ang Woman FIDE Master na si Shania Mae Mendoza (Elo 2193) ay sasagupa kay WIM Jan Jodilyn Fronda (Elo 2119) habang ang NCC Semifinals champion na si Judith Pineda (Elo 1905) ay haharapin si Marie Antoinette San Diego (Elo 2109).
Magtatapat sina WIM Bernadette Galas (Elo 2121) at WFM Allaney Jia Doroy (Elo 1824) gayundin sina WIM Beverly Mendoza (Elo 2013) at WNM Christy Lamiel Bernales (Elo 2037) pati na rin sina WFM Samantha Glo Revita (Elo 1827) at Arvie Lozano (Elo 1868).
Ang World Chess Olympiad ay gaganapin sa Setyembre 1 hanggang 14 sa Baku, Azerbaijan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.