Ciara naniniwala pa rin sa ‘forever’ dahil kay Tito Sen
KAHIT nawasak ang pagsasama nila ng kanyang estranged husband, naniniwala pa rin si Ciara Sotto sa “forever”.
Sa Father’s Day message ni Ciara para sa kanyang amang si Sen. Tito Sotto, sinabi nito kung gaano niya kamahal ang senador at kung paano niya pinahahalagahan ang mga advice nito. Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat din ang actress-dancer kay Tito Sen dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa kanyang anak an si Crixus.
Aniya, “Happy Father’s Day Tatay @helenstito! Thank you for everything! Thanks for loving me and Crixus! Dahil po Sa inyo, naniniwala pa rin ako Sa forever….! #mayforeverkaytatay!” Last January, mismong si Ciara na ang nagsabi na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Joe Oconer at bumalik na siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Sinasabing third party ang dahilan ng break-up.
Nadamay pa nga ang Kapuso actress-TV host na si Valeen Montenegro sa nasabing issue ngunit idinenay ng dalaga na siya ang diumano’y bagong karelasyon ng mister ni Ciara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.