James, Nadine bantay-sarado sa mall; Binigyang babala ng isang die hard fan
NAGDAGDAG pala ng security personnel ang Market! Market! noong Linggo ng hapon para sa ginanap na book launch ng reel and real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre.
Ayon sa ulat, nabahala ang mga namahala sa “Team Real” book launch ng JaDine sa activity center ng nasabing shopping mall sa Taguig matapos makatanggap ng “warning” mula sa isang nagpakilalang tagasuporta ng dalawang Kapamilya stars.
Ilang staff daw ng Viva Entertainment ang nagsabi na may isang concerned fan ang nagbigay ng babala na posibleng may manggulo sa event ng JaDine. Kaya naman agad-agad na kumilos ang security management ng mall.
“Be careful because someone is trying out of desperation to do something that is so sick and crazy. “Tell the two to be very careful and observant sa paligid nila,” ang sabi raw ng concerned fan. Mula sa pagbaba nina James at Nadine sa kanilang sasakyan patungo ng activity center ng mall hanggang sa book launch proper, book signing at pag-alis sa venue ay bantay-sarado ng mga security guard at marshalls.
Base sa report, umabot daw sa mahigit 12,000 ang nagtungo sa book launch ng JaDine. Balitang halos ma-soldout din ang mga librong ibinenta sa nasabing event. Samantala, na-shock daw si Nadine nang mabalitaan niyang naging number one siya sa second counting ng FHM Sexiest Women poll. Pero sa huling resulta ng survey naungusan na siya ni Jessy Mendiola.
“Hindi ko po talaga in-expect kasi 50-plus ako last year and then ngayon nag nine, then eight, tapos one. Sabi ko, joke ba ito? Hindi po ako makapaniwala until FHM posted na number one nga,” sey ni Nadine sa panayam ng ABS-CBN.
Dugtong pa niya, “Happy po ako na napunta po ako sa one. Maraming nagsasabi nga na iba na ang definition ng sexy. But then, kung sino man po ang manalo, I’ll be happy for them kasi for sure deserving naman po.”
Nilinaw naman ng dalaga ang isyu tungkol sa ipinost ni James sa kanyang Instagram account matapos lumabas ang balitang nag-number one nga siya sa FHM Sexiest. Hindi raw kasi nagustuhan ng binata ang idea na maging sexy ang image ni Nadine. Aniya nagbibiro lang daw si James.
“It was just a joke. I was just playing around. (I have) mixed emotions. Sexy naman si Nadine so it’s okay,” ang paglilinaw ni James.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.