Veteran star kakaiba ang trip sa buhay, aktor ‘nabiktima’
HINDI naman malabo ang mga mata ng isang beteranang aktres dahil nababasa niya nang walang suot na salamin ang pagkaka-computer ng kanyang mga dayalog sa script.
Lalong hindi malabo ang kanyang paningin dahil kapag nakikita niya nang malayuan ang mga executives ng kanilang network ay nakakawayan niya agad para lang batiin. Pero selektibo ang kanyang mga mata, kapag hindi masyadong importante ang nasasalubong-nakikita niya ay deadma lang ang lola n’yo, parang wala siyang nakikita.
“May mga panahong nagsasalita siyang mag-isa, pero deadma lang kami, baka naman nagme-memorize siya ng script niya. Basta salita lang siya nang salita, bulong lang nang bulong ang lola n’yo. “May time naman na napaka-PR niya. Pagbaba pa lang niya sa van niya, super-greet na siya sa lahat, para siyang pulitikong nangangampanya sa kakakaway.
“Extremes ang character ni ____ (pangalan ng beteranang aktres), mahirap hulihin ang mood niya, nakakailang siyang batiin dahil baka deadma lang ang maging reaction niya. “Naloka nga sa kanya ang isang sikat at guwapong male personality, tinatawagan niya kasi ‘yun nang madaling-araw. Kapag tinatanong siya kung bakit siya napatawag, e, isa lang ang sinasabi niya.
“Kailangan daw nilang magbatuhan ng lines dahil malaking eksena ang gagawin nila that day, mag-practice na raw sila agad para memorized na nila ang mga lines nila pagdating sa location. “Nakakaloka siya, di ba? Pinupuyat niya ‘yung male personality, ginigising niya nang madaling-araw, di lalong hindi ‘yun makakapag-concentrate sa mga dayalog niya, di ba? Ibang klase rin ang lola n’yo, extremes!
“Bradly Guevarra, tama ba ang mga ginagawa ng lola mong ito, gets na gets mo na kung sino siya, madali lang tumbukin kung sino, pare, ‘no!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.