GUSTO kong malaman kung ano pa po ang pwedeng maitulong ng PhilHealth sa papa ko na may kidney failure. Sa kasalukuyan ay naka-10 free session na siya sa PhilHealth. Last month po nasa hospital po siya tapos po ay ngayong buwan. Baka lang po may iba pa pong paraan para makapag-avail pa po siya ng free session sa Philhealth? Or pwede po ba ang sa akin anak ang gamitin niya? Six years na po akong nagbabayad sa PhilHealth. Ang papa ko po is 52 years old, ako po 26 years old. Sana po ay may iba pa pong paraan kasi po hindi po namin kaya ang gastos. One year pa raw po bago ma-renew PhilHealth niya.
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang maberipika po namin ang rekord ng inyong magulang, pakibigay po ang kanyang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
Araw ng Kapanganakan
Tirahan:
PhilHealth Identification Number (PIN)
Amin pong pinapaalam na ang regular na benefit limit para sa dialysis procedures ay 45 na araw para sa prinsipal na miyembro at karagdagang 45 na araw para sa mga qualified dependents. Kung wala pong nakalista na qualified dependents ang miyembro, ang karagdagang 45 na araw ay maaari niyang gamitin.
Sa inyo pong kaso, hindi ninyo po maaaring ideklara bilang dependent ang inyong tatay sa kadahilanang wala pa po siyang 60 taong gulang at wala siyang permanenteng kapansanan.
Para sa inyong reference, sakop ng PhilHealth coverage ng miyembro ang mga sumusunod:
1. Legal na asawa na hindi miyembro ng PhilHealth
2. Anak na mababa sa 21 taong gulang, walang trabaho at asawa
3. Anak na 21 taong gulang pataas mgunit may kapansanan*
4. Foster Child (Base sa Foster Care Act of 2012 o RA 10165)
5. Magulang na may permanenteng kapansanan,
* Kinakailangang magsumite ng medical certificate na nagsasaad at nagpapatunay ng kapansanan
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag-e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.