Erap bumilib sa 33 kandidata ng Miss Manila 2016
IN fairness, bukod sa magaganda at seksi na, matatalito pa ang 33 official candidates sa Miss Manila 2016 pageant na rumampa sa ginanap na media conference kamakalawa sa Manila City Hall.
Pinangunahan ito ni Manila Mayor Joseph Estrada kasama ang big boss ng VivaEntertainment, na si Vic del Rosario. Magtutulung-tulong ang City of Manila at MARE Foundation kasama ang Viva Live sa ikatlong taon ng Miss Manila pageant.
Nauna nang ipinakilala sa ginanap na press launch ang 33 kandidata sa Diamond Hotel at sinundan pa ng isang bonggang media conference sa City Hall ng Maynila nitong Huwebes. Ang taunang Miss Manila pageant ay hindi lamang naghahanap ng magagandang babae sa Maynila, kundi iyon ding woman of empowerment, personifies social awareness, at nagpapakita ng true Manilena na may grace, passion at optimism.
Narito ang kumpletong listahan ng 33 Manileña beauties na maglalaban-laban sa grand coronation night na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC), sa June 24, 7 p.m. – Aya Frances Cruz, Cristelle Tolentino, Ganiel Akrisha Krishnan, Tenth-ten Rhea Doringo, Paola Bianca Bagaforo, Angela Beatrice Cecilio, Mikaela Mendez, Mabel Verceles, Julyan Jazmine Leonida, Justiene Ortega, Mae Kimberly de Luna, Meiji Cruz, Roselyn Evardo, Sarah Margarette Josos, Janette Roanne Sturm, Hannah Bithjah Merino, Anne Krishua Antonio, Mercegrace Raquel, Mehwish de Castro, Chantal Roi Serafica, Mary Rose Cajayon, Joanna Marie Rabe, Ruyeth Ann Mariano, Ruth Sabrina Linganay, Abegail Castor, Allana Coronel, Shenna Mae Zaldivar, Kristel Guelos, Marvelyn Talha, Lhorden Joy Trimor, Mecelle Clarice Silva, Feonna May Alloso at Ramona Yamat.
“Binuhay po natin ang Miss Manila dahil isa itong salamin ng ating mayaman at makulay na kasaysayan. Simbolo rin ito ng panunumbalik ng ganda at sigla ng ating lungsod,” sey ni Erap na bumilib sa lahat ng mga kandidata this year dahil bukod sa magaganda na ay intelligent pa ang mga ito.
Ayon pa sa alkalde, ang Miss Manila ay nag-originate sa Miss Carnival Queen noong 1900’s. Noong 1925, ang nanay ni Erap na si Maria Marcelo ay nagwaging Miss Carnival Queen, “Kaya po may kakaibang pitak sa puso ko ang beauty pageant na ito.”
Dugtong pa niya, “I am pleased that the Miss Manila pageant continues to draw support from Manileños everywhere. Mahalaga po talagang magkaisa tayo para sa mga proyektong tulad nito, na naglalayong maipakita sa buong bansa ang kagandahan, at kadakilaan, ng ating lungsod.”
Ang kabuuan ng Grand Coronation Night na magaganap sa mismong Araw ng Maynila ay mapapanood (delayed telecast) sa TV5, to be hosted by Edu Manzano and KC Concepcion. Ang proceeds ng nasabing pageant ay ipagkakaloob sa MARE Foundation, isang non-profit institution na pinamumunuan ng Chairperson at Project Director nito na si Jackie Ejercito.
Mag-uuwi ng P500,000 at management contract sa Viva Artists Agency ang kokoronahang Miss Manila 2016 at siya rin ang magre-represent sa City of Manila sa iba’t ibang functions at events ng siyudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.