Regine walang kawala sa kasamaan ni Snooky | Bandera

Regine walang kawala sa kasamaan ni Snooky

Ervin Santiago - June 16, 2016 - 12:30 AM

regine velasquez at snooky serna

NARITO ang kailangan n’yong tutukan sa episode tonight ng GMA Telebabad series na Poor Señorita ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Hihingi ng tawad si Kilmer (Kevin Santos) kay Maika (Sheena Halili) at aaminin na nito na si Deborah (Snooky Serna) ang nasa likod ng planong pagpatay kay Ma’m Rita (Regine).

Samantala, hinahanda na si Rita kasama ang mga bata ang dadalhin nilang mga regalo sa pagbisita nila kay Girlie (Caprice Cayetano). Excited na silang lahat sa kanilang lakad. Sasabihin naman ni Rambo (Zymic Jaranilla) na wala siyang tiwala sa itsura ni Minerva. Pero ayon kay Rita, mukha namang mababati sina Minerva (Diva Montelaba) at Boyet. Nang paalis na sa mansiyon ang tropa, darating si Deborah. Hindi nila ito nakita kaya pinasundan ng kontrabida ang ang sasakyan nina Rita.

Masayang-masaya si Rita at ang mga bagets nang makita si Girlie. Habang naglalaro ang limang bata sa kuwarto ni Girlie, nakita nila si Charisse (Jillian Ward) na nagsusulat ngunit nanginginig ang kamay kaya bigla nitong nabitiwan ang ball pen. Hindi sinabi ni Charisse kung bakit biglang nanginig ang kanyang kamay.

Nang magpaalam na sina Rita kay Girlie, hindi nila napansin na bahagyang itinulak ni Minerva ang bata at pinagsalitaan ito ng masama. Ang hindi nila alam, bini-video ni Deborah sa kanyang camera phone ang mga eksena.

Ang ending, iba-blackmail ni Deborah si Minerva para takutin si Rita at hingan ng malaking halaga ng pera. Walang magagawa si Minerva kundi sumunod sa maitim na balak ni Deborah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending