P195M shabu nasabat; 2 Taiwanese arestado sa Paranaque
ARESTADO ang dalawang Taiwanese national matapos mahulihan ng 39 kilo ng shabu na aabot sa P195 milyon sa Parañaque City, ngayong hapon.
Nakasakay sina Tseng Shion Ming, 33, at Huang Zhen Kai, 25, sa isang Toyota Innova (ACA 5915) nang sila ay parahin sa Macapagal Boulevard ganap na alas-2 ng hapon, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya.
Kapwa isinailalim ang dalawang Taiwanes sa surveillance ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis at miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos hingan ng tulong ang mga impormante na kailangan nila ng sasakyan para maisakay ang mga droga.
Natagpuan ng mga otoridad ang 39 pakete ng shabu sa loob ng kotse ng mga suspek.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drug Group, na pinamumunuan ni Superintendent Lorenzo Bacia, at PDEA na pinamumunuan ni Theodore Atila, sabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.