Aiza sa mga anti-LGBT: Tao rin po kami tulad ninyo!
NAKIRAMAY ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño sa pamilya ng mga namatay sa nangyaring shooting incident sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida, USA.
Kinondena ito ng mga local and international celebrities sa buong mundo, lalo na ng mga miyembro ng LGBT community. Kasabay nito, nanawagan din si Aiza tungkol sa nagaganap na malawakang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sabi ni Aiza sa kanyang Instagram account, “Nakakalungkot isipin na dahil lang sa kung sino kami at mga pinili namin mahalin, akala ng mga ibang tao, wala na kaming puwang sa mundo. “Sana huwag ninyong kalimutan na ang LGBT ay mga tao rin, at may mga taong nagmamahal sa amin at nagbibigay ng pagpapahalaga sa aming buhay kagaya ng mga pamilya at kaibigan.
“Hindi porke iba ang tingin ninyo sa amin ay mayroon na kayong lisensiya para murahin kami, pagkaitan ng karapatan at kalayaan, pagtawanan, bastusin, saktan at patayin. Tao kami. Kagaya ninyong lahat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.