Willie na-shock sa balitang nakabuntis ng Wowowin dancer: Ako agad ang tatay? | Bandera

Willie na-shock sa balitang nakabuntis ng Wowowin dancer: Ako agad ang tatay?

Cristy Fermin - June 15, 2016 - 12:15 AM

willie revillame

PINAGTATAWANAN na lang ni Willie Revillame ang mga bagong isyung ipinaaangkin sa kanya sa pamamagitan ng blind item. Meron daw siyang naanakang dancer ng show, itinago pa raw niya ang dancer nu’ng nagdadalantao ito, saka pinabalik pagkatapos nang dalawang buwan nang makapanganak na ang dancer.

“Alam mo, hindi ko talaga alam na meron palang ganyang kuwento tungkol sa akin. Wala akong kamalay-malay, meron na naman pala akong anak. “Saan ba nanggaling ang mga ganyang kuwento?” tawa nang tawang reaksiyon ng host ng matagumpay na Wowowin. Totoo raw na kababalik lang sa Wowowin ng dancer ng si Sam, kapanganganak pa lang nito, pero nakiusap kay Willie kung puwede itong bumalik dahil kailangan nito ng trabaho para sa kanyang anak.

“Sa staff ko nga lang nalaman na ako na pala ang pinagbibintangang tatay ng anak ng dancer ko, e! May nagsabing staff sa akin, ‘Kuya, si Sam ang sinasabing dancer na naanakan mo raw.’ Natawa talaga ako dahil wala akong alam tungkol du’n!

“Sabi ko nga, kapag may dancer bang na-preggy, ako na agad-agad ang tatay ng bata? E, may boyfriend ang dancer namin, nagdalantao siya, ano naman ang kinalaman ko du’n?” halakhak pa rin nang halakhak na kuwento ni Willie.

May dahilan naman para tawanan na lang niya ang mga ganu’ng kontrobersiya, maganda ang takbo ng kanyang programa, masayang-masaya ang mga ehekutibo ng GMA 7 dahil palaging mataas ang rating ng Wowowin.

Mula nu’n hanggang ngayon ay hindi iniiwan ng kanyang mga tagasubaybay si Willie Revillame kahit saang network siya mapunta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending