Vice Ganda: Wala kaming isyu ni Kris, asawa ko pa rin siya! | Bandera

Vice Ganda: Wala kaming isyu ni Kris, asawa ko pa rin siya!

Ambet Nabus - June 14, 2016 - 12:05 AM

vice ganda at kris aquino

KUWELANG-KUWELA ang naging guesting ni Sen. Dick Gordon sa Gandang Gabi Vice last Sunday para sa Independence Day episode ng programa. Game na game itong nakipag-okrayan kay Vice Ganda na tuwang-tuwa ditong nag-share ng ilang “historical facts” tungkol sa ilang lider ng gobyerno, mga bayani at ilang datos tungkol sa Pilipinas.

Napasayaw pa ito ni Vice ng pamoso ngayong “Tatlong Bibe” dance craze at binigyan pa nito ng palayaw ang magaling na TV host-comedian bilang term of endearment daw nila. “Batutoy” daw ang bagay na nickname dito bilang siya si Jose Viceral na tinatawag na Utoy sa bahay nila noong bata pa daw ito.

Tawang-tawa kami ng kantahan pa ito ng magaling na Senador ng “Utoy Batutoy,” na akala mo’y naghe-hele ng bunsong anak na ikinagalak naman lalo ni Vice. Nakaka-feel good talagang makapanood ng mga ganu’ng palabas lalo pa’t hindi mo aakalaing ang mga tulad ni Sen. Gordon ay maeeklay ni Vice nang wagas na wagas.

Well, kaya nga sila naging very close ni President Digong Duterte dahil nu’ng minsan ding maging guest sa GGV ang bagong Presidente ng Pilipinas ay grabe rin itong naaliw sa antics at kaismartehan ni Vice. The fact is, iyan nga ang isa sa mga ibinabatong isyu ngayon kay Vice ng mga “fanatics” nina Kris Aquino at Pangulong Noynoy na tumawag sa kanyang plastik.

Pero hindi na ito pinatulan pa ni Vice dahil aniya, “Wala naman kaming isyu ni Kris. We are still very good friends at mag-asawa pa rin ang tawagan namin. May mga bagay lang talaga sa mundong ito na hindi na kailangang i-explain sa lahat dahil kahit anong magandang intensyon mo ay pilit nilang hahanapan ng butas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending