NALUNOD ang dalawang estudyante ng junior high school matapos mag-swimming sa Bonuan Beach sa Dagupan City, kamakalawa, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ni Dagupan City police chief Supt. Christopher Abrahano ang mga biktima na sina Karen Madraso, 14, isang Grade 9 na estudyante at Myla Carvajal, 15, isang Grade 10 na estudyante. Kapwa mga residente ang mga biktima ng Barangay Bonuan Binloc, isang barangay na kaharap ang Lingayen Gulf.
Sa isang text message, sinabi ni Abrahano na nagsu-swimming ang dalawang biktima nang tangayin ng malalakas na alon sa mas malalim na parte ng gulf ganap na alas-4 ng hapon noong Linggo.
Nakuha ng mga rescuer ang katawan ng mga biktima at dinala sa Region 1 Medical Center ngunit idineklara ang mga ito na dead on arrival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.