Ikatlong sunod na panalo target ng Phoenix Accelerators | Bandera

Ikatlong sunod na panalo target ng Phoenix Accelerators

Melvin Sarangay - , June 13, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
2 p.m. AMA Online vs Phoenix
4 p.m. Blustar vs Tanduay

MAHABLOT ang ikatlong sunod na panalo at solo liderato ang pakay ng Phoenix Accelerators sa pagsagupa sa  AMA Online Education Titans sa kanilang 2016 PBA D-League Foundation Cup elimination round game ngayong alas-2 ng hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang kasalukuyang 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup champion na Accelerators ay galing sa tambakang panalo kontra Topstar ZC Mindanao Aguilas at Tanduay Rhum Masters kung saan nag-average sila ng 24.5 puntos sa kanilang mga pagwawagi.

Ang Accelerators ay pinangungunahan nina 2016 Aspirants’ Cup Most Valuable Player Mac Belo, Mike Tolomia at Ed Daquioag na siya ring bumida sa 108-78 panalo ng koponan kontra Aguilas noong Huwebes.

Ang Titans ay magmumula naman sa ikalawang pagkatalo na pinalasap ng Racal Tile Masters, 100-67, noong nakaraang Martes.

Sa ikalawang laro na gaganapin dakong alas-4 ng hapon, pipilitin ng Tanduay na makabangon buhat sa 98-79 pagkatalo na pinatikim ng Phoenix sa pagharap sa Blustar Detergent, ang bagong koponan sa liga na binubuo ng mga Malaysian players.

Hinahawakan ni Goh Cheng Huat, ang Dragons ay pinamumunuan ni dating Ateneo Blue Eagles guard Juami Tiongson at Mah Chee Kheun na tinulungan ang Malaysia na masungkit ang korona ng 2016 Asean Basketball League.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending