Sikat na singer-actress biglang nagbago ang itsura, buntis daw | Bandera

Sikat na singer-actress biglang nagbago ang itsura, buntis daw

Cristy Fermin - June 13, 2016 - 12:10 AM

 

BLIND ITEM FEMALE 0429
PABORITONG pulutan ngayon sa lahat ng mga umpukang-showbiz ang kuwento tungkol sa pa-ngangailangan ng pahinga ng isang sikat at magaling na singer-actress.

Sagad-sagaran kung magtrabaho nu’n ang female personality, walang pahi-pahinga, parang ma-kina siyang magtrabaho. Pero ngayon ay humihingi na siya ng pahinga, kailangan na raw niyang bigyan ng masarap na atensiyon ang kanyang sarili, na ipinagtataka ng mga tagasuporta niya.

Ngayon na lang kasi nagkakaganyan ang babaeng personalidad, dati’y wala ang salitang pahinga sa kanyang bokabularyo, totoo nga kayang nagdadalantao ngayon ang sikat at magaling na singer-actress. Kuwento ng isang source, “Marami talagang magtataka at mag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa situation niya ngayon. Rest ang ikinatwiran niya sa hindi pagsali sa isang show, e, dati naman, kahit sabay-sabay ang trabaho niya, e, okey lang?

“Kaya kung anu-anong kuwento ang naglalabasan ngayon, nagdududa na ang marami sa sitwasyon niya, parang preggy raw ang girl dahil pati ang itsura niya ngayon, e, ibang-iba na. “At kung sakali mang preggy siya, e, wala namang masama, pakakasalan naman siya ng boyfriend niya. Nasa marrying age na ang girl, sa totoo lang,” reaksiyon ng aming source na malapit sa sikat na singer-actress.

Mabubura lang ang lahat ng mga pagdududa kapag ang mismong may katawan na ang nagsalita. Puwedeng aminin niya ang totoo at puwede rin namang hindi muna siya umamin at maghintay na lang muna ng tamang panahon para sa publiko kung ano ang totoo sa kanyang kalagayan ngayon.

Bradly Guevarra, siguradong hindi ka mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, kilalang-kilala mo kung sino ang starring sa ating kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending