PTT magtatayo ng 200 istasyon sa Vis-Min | Bandera

PTT magtatayo ng 200 istasyon sa Vis-Min

- June 13, 2016 - 12:15 AM

travel

BANGKOK, Thailand— Kasabay ng pag-upo ng bagong halal na pangulo sa Hunyo 30, bubuksan ng PTT Public Company Limited, ang state-owned at pinakamalaking energy firm sa Thailand, ang 2-hectare gas station-complex sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa Concepcion, Tarlac.

Ang istasyon, ayon kay Wisarn Chawalitanon, PTT Vice President for International Marketing, ay kakaiba sa mga standard o compact station na meron sila sa bansa sa kasalukuyan.  Aniya, nais ng PTT ang magtayo ng premium station sa Pilipinas na babagay sa nagbabagong lifestyle ng mga Pilipino.

Bahagi ito ng programa ng Thai-based oil firm na makapagdala pa ng mas malaking investment sa Pilipinas sa susunod na apat na taon, kasabay na rin ang planong matiyak ang energy security sa South East Asia.

Sa ngayon ay meron lamang na 96 gas station ang PTT sa bansa, na nakasentro sa ilang bahagi ng Metro Manila, Luzon at Cebu, sa kabila nang dalawang dekada na itong nag-ooperate sa bansa.
Bukod sa 96 service station, nagbibigay rin ang PTT ng aviation fuel services para sa mga international at domestic airlines sa Clark at Subic Bay Ports.

Vis-Min operations
Pahayag ni Chawalitanon, na tumayo ring pa-ngulo ng PTT Philippines sa loob ng pitong taon, ilang bilyong piso ang ilalaan ng kompanya sa bansa para makapagpatayo ng 200 bagong istasyon na sesentro naman sa Visayas at Mindanao.

“We are planning to have 300 stations in the Philippines by 2020. We only have 96 now, we have to put up 200 more,” pahayag ni Chawalitanon sa media habang ipinaliliwanag ang direksyong pangnegosyo ng PTT para sa bansa at sa rehiyon.

Inaasahan anya ng kompanya na sa 2017, ay may kabuuang 200 istasyon na ang mailalatag sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasama na ang Visayas at Mindanao, habang bubunuin ang natitirang 100 istasyon hanggang sa 2020.

P200-M worth complex
Bahagi aniya ng 200 bagong istasyon na itatayo ay ang P200-million worth na gas station complex sa SCTEx na magbubukas at sisimulang magbigay serbisyo bago matapos ang buwan. Ang istasyon ay gaya umano sa service station na meron ang PTT sa Bangkok na puno ng iba’t ibang amenties at commercial establishments na pinatatakbo rin ng PTT gaya ng Amazon Café at Jiiffy na isang convenience store.

Maliban pa sa complex, karagdagang 15 istasyon ang bubuksan sa ilang bahagi ng bansa na titiyak ng makakapag-offer ng mababang presyo ngunit dekalidad na produktong petrolyo. Gaya ng mga kilalang malalaking oil companies, nag-aalok ang PTT ng gasolina, diesel at lubricant. Sa ngayon ay wala pang liquefied petroleum gas na naiaalok sa bansa ang energy firm.

LPG iaalok na rin
Paliwanag ni Tanapati Choomnoommanee, operations engineer ng Khao Bo Ya LPG Terminal 1, na kaila-ngan muna aniyang ma-patatag ang suplay ng LPG sa Thailand bago tuluyang ilabas at ialok ito sa ibang bansa.

Bukod sa Pilipinas, ang PTT ay meron ding mga service station sa Cambodia, Laos at Myanmar.
“We have to secure the supply of LPG in the country first before we can bring it to other countries,” ayon kay Tanapati.

Paliwanag nito na bagamat maraming suplay ng Profane at Butane gas, pa-ngunahing komposisyon ng LPG, na dumarating sa Thailand mula sa Middle East ang limitadong pasilidad anya ang siyang naglilimita sa kanila ng dami ng nagagawang LPG, at kadalasan ay sakto lamang ito sa panga-ngailangan ng kanilang bansa.

“But with the new faci-lities that will soon be fully operational, we might be seeing PTT supplying LPG to other countries in the next two years,” paliwanag pa ng opisyal sa pagbisita ng BANDERA sa LPG terminal nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala naman si Chawalitanon na magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng bagong administrasyon, dahilan para aniya maglaan sila ng mas malaking pondo para rito kumpara sa ibang bansa kung saan nago-operate din ang PTT.

“Thailand is expressing its confidence in [the Philippines’] economic performance. We are setting realistic targets in the Philippines,” dagdag pa ni Chawalitanon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending