Binoe, Arnell OA sa pagsuporta kay Duterte | Bandera

Binoe, Arnell OA sa pagsuporta kay Duterte

Jobert Sucaldito - June 10, 2016 - 12:00 PM

STANDARD naman sa ating lahat na nagtatalu-talo during campaign time dahil may kani-kaniya tayong manok pero inaasahan naman sana nating right after campaign time ay tapos na rin ang patutsadahan at kung anu-ano pang kaek-ekan.
Kung sino ang nanalo ay dapat nating irespeto pero dapat ay nagmamanman pa rin tayo sa mga kilos o galaw ng mga nagwagi. Yung mga ipinangako nila ay dapat nilang tuparin in the most peaceful way.
During the campaign season, awara naman tayo kung sinu-sino ang sinusuportahan ng bawat isa sa atin. Tulad halimbawa ng ibang kaibigan natin sa industriya like Robin Padilla, Arnell Ignacio, Kat de Castro, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, etcetera, na mga maka-Duterte. They were very vocal of their support for him dahil naniniwala silang marami raw itong magagawa para sa ikabubuti ng bayan natin.
Kasi nga sobrang hirap talaga ng buhay – lalo pang naghihirap ang buong bansa pag ang mga namumuno ay mga kurakot. Tulad nitong administrasyong Aquino na nakatago nga sa slogan na “Tuwid Na Daan” pero puro bako-bako naman ang nilakaran natin.
Iyon ang gusto nilang mawala – ang corruption at iba’t iba pang katalamakan. Pero in fairness to the past administration, people enjoyed so much liberty and democracy kapalit ng kahirapan ng buhay. Eh ganoon talaga eh, we cannot have them all. Likas na rin sa mga Pinoy ay katamaran at asa-asa lang sa iba pag may time. Ganyan naman tayo, di ba?
Sa mga celebrities nating mga maka-Duterte, ang tanging tahimik lang ay ang mga tulad nina Panggas Jimmy and Luke. Kahit todo-suporta sila kay Duterte, never kaming nagparinigan ng mga iyan. They were very decent with their handling of the campaign. Wala silang nasagasaang friendship and what not. Ang pinaka-OA sa kanila pagsulong kay Duterte ay sina Robin at Arnell na pareho ring malapit sa puso natin.
Si Robin ay binatikos left and right dahil sa mga illogical advice niya. Yung sasabihin niyang lahat ng sabihin ni Duterte ay sundin na lang daw natin – huwag nang kontrahin. Kung anong batas ang ipapatupad daw nito ay gawin na lang ng bawat Pinoy.
Ayon, binugbog ng batikos ang action star natin. Lumabas pa in the end na hindi naman pala siya legit na botante pero kung makaasta ay parang the first to cast his vote. Nakakatawa si Binoe, di ba? OA na OA.
Ang mas malala ay ang kaibigan nating si Arnelli. Kung anu-anong videos ang pinaggagawa niya para lang ipagtanggol si Duterte. Pati pagmumura ng bagong halal na pangulo ay dyina-justify niya. Pati pambabastos sa kababaihan ay inilulusot talaga niya ang idolo niya.
Pati ang hidwaan ng idol nila with members of the media ay sinasang-ayunan niya. Nasa height sila ng pagbulag-bulagan sa mga bagay-bagay na alam naman nilang mali naman talaga. Hindi naman daw binastos ni Duterte ang GMA news anchor and reporter na si Mariz Umali nu’ng sipulan niya ito at kantahan instead of answering her question during that controversial press conference.
Kaya ang ginawa ko, kaysa mabuwisit sa mga pinu-post ni Arnelli sa Facebook account niya, bin-lock ko siya para ma-save ang friendship namin. Kaysa naman mairita lang ako, mas mabuti paNg alisin ko na lang siya sa friends’ list ko.
Block kung block lang ang peg, di ba? But of course, our friendship outside of the Duterte eklabum na ito remains faithful and genuine. Mabuti naman at naunawaan din ni Arnelli where I was coming from, nabuwisit lang ako sa pagka-OA niya.
Tayo naman ay mga mabubuting mamamayan. Okay naman kami sa ilang mga panukala ni Duterte. Yung curfew for minors, aprub sa amin iyon. Bilang mga magulang, bentahe sa amin ang masigurong nasa mga bahay namin ang aming mga anak. Wala kaming tutol doon. Pinagpapasalamat pa nga namin ito sa kaniya.
Kahit chain smoker ako, aprub pa rin sa akin ang magsigarilyo sa mga designated areas lang kung kinakailangan. Hindi naman namin kini-criticize iyon. We even admire that idea para maproteksiyunan naman ang mga non-smokers.
Pero sabi ko nga, dapat alam din ni Duterte ang limits niya bilang bagong pangulo ng bansa. Marami pa kaming gustong sabihin tungkol sa national issue na ito, kaya ipagpapatuloy ko bukas ang mahabang monologue kong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending