Aiza Seguerra, UP law student pinagbantaan ng mga Duterte fans | Bandera

Aiza Seguerra, UP law student pinagbantaan ng mga Duterte fans

- , June 09, 2016 - 07:01 PM

MAGING si Aiza Seguerra na self-declared na Duterte fan ay hindi rin nakaligtas sa kaliwa’t kanang banat ng mga supporter ni President-elect Rodrigo Duterte sa social media.

Gaya ni Aiza, kabi-kabila rin ang pambaba-bash at pananakot na inabot ng isang law student mula sa University of the Philippines.

Una nang nanawagan si Aiza sa on supporters ni Digong na maging kalmado at irespeto ang mga opinyon ng bawat isa kontra man ito sa uupong pangulo.

“As a Duterte supporter, I would encourage na sana wag naman tayo maging (others not to be) blind followers. It will help our President kung hindi tayo (if we are not) one-sided at marunong tayong magbigay ng respeto sa opinion ng iba (and for us to learn to respect the opinions of others) instead of fanning the flames of hatred towards people who don’t share the same point of view or opinion,” say ni Aiza sa kanyang  Instagram account.

Dahil dito, marami ang bumatikos sa singer.

Sa kanyang Instagram post, user @che_riiiil said: “Nakakahiya totoo ba kayong supporters ni mayor duterte? Wag nyong pakialam kung anong lumabas sa bunganga niya, pakialaman nyo kung may masama siyang ginawa, sinabi na nya he is trying to change kung uupo na siya diba?”

Instagram user @genhanash ang nagsabi naman na dapat maging loyal si Aiza kay Duterte: “Para sa’kin nman kung mahal mo ang isang tao hndi mo sya ilalaglag khit mali pa sya.. specially in public. Loyalty ba.. I don’t care if that is being a blind follower.. for me that’s a pure loyalty..”

Bash to the max din ang inabot ng UP Law student na si  Chad Patrick Osorio matapos siyang mag-post ng satire piece hinggil sa mga pronouncement ng tough-talking mayor.

Ang kanyang post na  “Congrats Mayor” na nag-viral sa social media, at kinalaunan ay nakatnggap na siya ng mga death threats sa online.

Isang Facebook user na may pangalang Dann Navarro ang nanakot na personal niyang hahagilapin si Osorio para patayin.

“Hahanapin ka namin putqngna mo! Ako na papatay sau! ruwang tuwa ka g*go ka!!! nagpost kp animal ka!!!”

Naniniwala naman si Osorio na magigising ang mga Pinoy mula sa “fascist, uncultured, nightmare of an administration” sa mga susunod na araw.

“I wrote a sarcastic article to criticize an incoming politician, which is well within my right to speech. It’s less vulgar and less insulting than a President of the country catcalling a female reporter on live TV. But his rabid fans are angry at me for mirroring the way they think…Good night, Philippines. May we wake up from this fascist, uncultured nightmare of an administration soon,” ayon kay Osorio sa separate Facebook post nito noong Miyerkules.

Umani ng batikos si Duterte nang sipulan nito ang isang female tv reporter, at sa pagbibigay rason kung bakit pinapatay ang mga mamamahayag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending