Garie Concepcion mas maganda sa personal kesa sa mga litrato | Bandera

Garie Concepcion mas maganda sa personal kesa sa mga litrato

Cristy Fermin |June 05,2016
facebook
share this

Garie Concepcion mas maganda sa personal kesa sa mga litrato

Cristy Fermin - June 05, 2016 - 12:30 AM

garrie concepcion

HINDI binibigyan ng hustisya ng mga larawan si Garie Concepcion, anak ni Gabby kay Grace Ibuna, maganda ang dalaga sa personal.

Maraming artistang mahal na mahal ng mga camera, wala silang pinipiling anggulo, pero kapag nakita mo nang malapitan ay hindi naman pala ganu’n kaganda. Kabaligtaran naman nu’n ang girlfriend na ngayon ng guwapo at magaling na singer na si Michael Pangilinan, hindi kagandahan ang mga retrato niyang naglalabasan, pero maganda si Garie sa personal.

Napakabilis talaga ng takbo ng panahon. Parang kailan lang ‘yun nang interbyuhin namin sa kanilang bahay sa San Juan ang mommy niyang si Grace Ibuna, naka-stroller pa lang nu’n si Garie, pero lumaking malaking bulas ang anak ni Gabby kay Grace.

Nasa kanya ang mga katangian ng magiging beauty queen, bukod sa kanyang kakaibang ganda ay matalino pa si Garie, bagay na bagay sila ni Michael na sa wakas ay nakatagpo na rin ng babaeng magpapaligaya sa kanya. Magkakasundo ang dalawa dahil pareho silang simple, mahilig ding kumanta si Garie, pareho nilang inilatag ang baraha ng kanilang nakaraang buhay na personal at walang naging problema.

Sa kabila ng kanyang busy schedule ay nabibigyan pa rin ng panahon ni Michael si Garie, ang dalaga ang kanyang inspirasyon na dapat lang naman, dahil galing sa isang masalimuot na relasyon ang guwapong singer. Gusto naming makitang matagumpay ang kanilang relasyon. Magtagal sana sila nang matagal na matagal na matagal na matagal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending