Frencheska bibida sa ‘Alamat ng Dama de Noche’ | Bandera

Frencheska bibida sa ‘Alamat ng Dama de Noche’

Ervin Santiago - June 05, 2016 - 12:35 AM

francheska farr

DRAMA, musika, hugot, at nakabibighaning 3D animation ang naghihintay sa buong pamilya at sa mga hopeless romantic ngayong Linggo (June 5) sa Alamat, kung saan tampok ang Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr.

Sikat ang Dama de Noche sa ating bansa dahil sa kakaibang uri ng pagtubo nito. Bakit nga kaya tuwing pagsapit ng dilim lamang naglalabas ng napakatamis na halimuyak ang bulaklak na ito?

Sa “Alamat ng Dama de Noche”, bibigyang-boses ni Frencheska ang karakter ni Dama, isang dalagang biniyayaan ng kakaibang katangian. Sa tuwing siya kasi ay masaya, mabangong halimuyak ang nagmumula kay Dama.

Ngunit magbabago ang halimuyak na ito sa pagdating ng palikerong si Señorito Luis, na bibigyang-tinig ni Rafa Siguion-Reyna. Humaling na humaling si Luis kay Dama at hindi siya tumigil hangga’t hindi sila nagpakasal. Ngunit kung ano’ng saya ni Dama bago mag-asawa, tila napalitan ito ng pait at pasakit sa piling ni Luis.

Unti-unting nawawala ang mahiwagang halimuyak na taglay ni Dama. Ano nga ba ang gagawin niya: piliting buhayin ang nalalantang pagsasama nilang mag-asawa o lumayo para siya ay lumago?

Kaabang-abang ang pag-awit ni Frencheska sa isang orihinal na komposisyon ni Ann Margaret Figueroa na pinamagatang “Ang Tanging Sinta” para lamang sa episode na ito ng Alamat. Si Rafa naman, first time sumabak sa animation at ayon sa kanya, isang magandang karanasan ito para lalo siyang mahasa bilang artista. Kumanta rin ang Kapuso actor ng ilang mga awitin sa episode na ito.

Abangan ang isa na namang natatanging kuwento sa Alamat ngayong Linggo, 5:15 p.m. sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending