Kristine kapuso na, bibida sa bagong TV show nina Oyo Boy, Bossing at Ai Ai | Bandera

Kristine kapuso na, bibida sa bagong TV show nina Oyo Boy, Bossing at Ai Ai

Ervin Santiago - June 03, 2016 - 01:00 AM

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

MAGBABALIK na sa telebisyon ang Kapamilya actress na si Kristine Hermosa. Pero hindi siya mapapanood sa anumang programa ng ABS-CBN.

Makakasama si Kristine sa bagong show ng kanyang asawang si Oyo Sotto sa GMA 7, with Vic Sotto and Ai Ai delas Alas.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Tintin na pagkatapos ng maraming taon, muli siyang sasabak sa aktingan, but this time ay sa Siyete na siya mapapanood. Aniya, “Mga Kapuso, totoo ho talaga na may post kami sa Instagram na meron kaming room for rent… Lahat kayo imbitado sa aming house warming!”

Nakatakda raw umere ang nasabing show na may titulong Hay, Bahay ngayong buwan. Makakasama rin dito sina Jose Manalo at Wally Bayola. Ito ang papalit sa magtatapos nang sitcom nina Bossing at Oyo na Vampire Ang Daddy Ko.

Huling napanood si Tintin sa seryeng Noah nina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria at Zaijian Jaranilla noong 2010 at pagkatapos nga nito ay hindi na siya umapir sa kahit anong soap ng ABS-CBN. May mga balita noon na pinipigilan daw kasi ni Oyo ang asawa na bumalik sa pag-arte para matututukan nang husto ang kanilang mga anak.

Sa isang panayam kay Kristine sinabi nitong mas gusto talaga niyang mag-full time bilang misis at nanay dahil, “Buong showbiz life ko, drama na ang ginagawa ko. Now I want something different.”

Pero sa pagkakaalam namin, Star Magic pa rin ang humahawak sa career ni Tintin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending