Café France Bakers sisimulan ang D-League title defense | Bandera

Café France Bakers sisimulan ang D-League title defense

Melvin Sarangay - , June 02, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Topstar ZC Mindanao vs Café France
4 p.m. Tanduay vs AMA Online Education

MATAPOS na kapusin sa hangaring makuha ang ikalawang korona sa nakalipas na Aspirants’ Cup, sisimulan ng Café France Bakers ang pagdepensa ng kanilang titulo sa pag-uumpisa ng elimination round ng 2016 PBA D-League Foundation Cup ngayon.

“We can’t wait to get back to the court,” sabi ni Café France coach Egay Macaraya, na naniniwala na kaya pa rin ng Bakers na makagawa ng matinding arangkada ngayong season.

Ang Bakers, na buo pa rin ang lineup, ay sisimulan ang kanilang kampanya kontra Topstar ZC Mindanao dakong alas-2 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Tanduay Rhum Masters ay makakasagupa naman ang AMA Online Education sa susunod na laban sa ganap na alas-4 ng hapon.

“After making the semis and failing to advance further in the previous conference, I’m pretty sure that it’s just logical for us to aspire to hurdle that phase this time around,” sabi ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Ang Aspirants’ Cup champion Phoenix, Racal at Blustar Detergent ang kumukumpleto sa pitong koponan na torneo.

Muntik naman makuha ng Bakers ang magkasunod na titulo sa liga subalit pinayuko sila ng Accelerators sa nakalipas na kumperensiya sa isang kapana-panabik na best-of-five championship series na umabot sa ikalimang laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending