Estudyanteng Haponesa ni-rape, suspek natagpuang patay sa Baguio City | Bandera

Estudyanteng Haponesa ni-rape, suspek natagpuang patay sa Baguio City

- May 30, 2016 - 01:32 PM

baguio
NAGREKLAMO ang isang estudyanteng Haponesa na ginahasa siya sa isang motel sa Baguio City, kamakalawa, bagamat natagpuan ng mga rumespondeng pulis na patay na ang sinasabing suspek matapos magbigti, ayon sa Cordillera police.
Tumakas ang 21-anyos na biktima mula sa isang kuwarto ng Nova Lodge bago magtanghali noong Linggo at tumawag sa mga kaibigan kaugnay ng panggagahasa umano sa kanya ng 26-anyos na taxi driver na si Ferdinand Pasuli Jr.
Nang tinawagan ang Baguio police, isang grupo ng pulis ang pumunta sa motel ganap na alas-3:50 ng hapon kung saan nadiskubre ang katawan ni Pasuli na nakabigti gamit ang isang shower pipe.

“The taxi driver was strangled by two black shoe laces, which were looped around his neck,” sabi ng pulisya.
Nadiskubre ng mga imbestigador ang taxi(AYR 980) na nakaparada sa garahe ng motel.
Ayon sa pahayag ng estudyante, kasama niya ang isa pang Hapones na si Yusuke Tanabe, nang sumakay sila sa taxi ng minamaneho ni Pasuli at nagpahatid sila sa kani-kanilang bahay.
Inihatid si Tanabe sa barangay Gibraltar, ngunit ayon sa estudyante dinala siya sa motel imbes na sa kanyang bahay, kung saan siya umano ginahasa.
Sinabi ng mga kaibigan na pinayagan ng driver ang estudyante na makaalis ng kuwarto ganap na alas-11:30 ng umaga, kung saan niya natawagan ang kanyang mga kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending