RC Cola A nagkampeon sa PSL Beach Volley | Bandera

RC Cola A nagkampeon sa PSL Beach Volley

Angelito Oredo - May 30, 2016 - 01:00 AM

PINATUNAYAN nina Jovelyn Gonzaga at Nerissa Bautista ng RC Cola Army A ang karanasan at kasanayan sa buhangin upang biguin ang pares nina Cherry Ann Rondina at Patty Orendain sa loob ng tatlong set, 21-18, 18-21, 15-13, upang tanghaling reyna sa women’s division ng 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament sa Sands SM By the Bay sa Mall of Asia.

Umahon mula sa 6-9 na pagkakaiwan sa matira-matibay na ikatlong set ang pareha nina Gonzaga at Bautista bago nito pinuwersa sina Orendain at Rondina sa tatlong krusyal na error upang kumpletuhin nag pagbalikwas tungo sa pagwawagi sa torneo.

Isang service error ni Rondina ang nagtabla sa laro sa 12-all bago nasundan ng ball out ni Orendain upang ibigay sa RC Cola Army A ang abante sa 12-13.

Gumanti si Rondina upang idikit ang laro sa 13-all bago pinalo ni Gonzaga at pinuwersa sa ball out si Rondina para sa titulo.

Unang tinalo ng Foton ang FEU-Petron nina Bernadette Pons at Kyla Atienza sa loob ng tatlong set, 15-21, 21-13, 15-11, habang binigo ng RC Cola Army A ang Petron XCS nina Sheila Pineda at Aiza Maizo-Pontillas, 16-21, 21-13, 16-14, upang hawiin ang labanan para sa titulo.

Nagkasya naman ang pares nina Pons at Atienza sa ikatlong puwesto matapos nitong biguin ang pareha nina Pineda at Maizo-Pontillas.

Inuwi nina Danica Gendrauli at Aby Maraño ng F2 Logistics ang ikalimang puwesto matapos talunin ang pareha nina Norie Jane Diaz at Pau Soriano ng Philippine Navy-Standard Insurance na nahulog sa ikaanim na puwesto, 21-14, 21-18.

Tinalo rin ng RC Cola Army B nina Gennie Sabas at Jennie Delos para sa ikapitong puwesto ang pares nina Petron Sprint 4T nina Maika Morada at Frances Molina, 16-21, 21-18,16-14.

Paglalabanan din ng TVM nina Kris Roy Guzman at Anthony Arbastro at Philippine Navy A nina Nur-Amin Madsairi at Roldan Medino matapos kapwa biguin ang nakatapat sa semifinals.

Tinalo ng TVM ang Philippine Navy B, 21-19, 21-17, habang pinatalsik ng Philippine Navy A ang FEU A, 24-26, 21-15, 15-13.

Inuwi naman ng FEU A nina Joel Cayaban at Franco Camcam ang ikatlong puwesto matapos biguin ang pares ng Philippine Navy B nina Pajiji Alsali at Milover Parcon, 21-13, 21-23, 15-11.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending