Pinal na: Duterte hindi sisipot sa kanyang proklamasyon
SINABI ni Rodrigo Duterte na hindi siya dadalo sa proklamasyon ng Kongreso sa kanya bukas bilang susunod na Pangulo ng bansa.
“I am not attending any proclamation. I have never attended any proclamation in my life,” sabi ni Duterte sa isang press conference noong Sabado ng gabi sa Davao City.
Idinagdag ni Duterte na irerepresenta na lamang siya ng kanyang mga abugado.
May mga abugado ako doon. Makinig na lang sila,” dagdag ni Duterte.
Nakatakdang iproklama ng Kongreso ang mga nanalong presidente at bise presidente sa nakaraang eleksiyon noong Mayo 9.
Ipoproklama rin si Vice President-elect Leni Robredo.
“In all of my political aspirations, nanalo naman ako. Sabi ko nga baka God would want me to taste defeat but it never happened,” ayon pa kay Duterte.
Noong Biyernes, sinabi ng papasok na Justice secrerary ni Duterte na si Vitaliano Aguirre na may posibilidad pa itong dumalo sa kanyang proklamasyon.
“Pero hindi bale, sa sugal talo naman ako parati so bawi lang din,” biro pa ni Duterte.
Ayon naman sa executive assistant ni Duterte na si Bong Go na posibleng magbigay na lamang ng mensahe si Duterte sa kanyang probinsiya pagkatapos ng kanyang proklamasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.